Ang Tagapangasiwa

Q. Administrasyon o Oposisyon?
A. Administrasyon. Sa kanila ko nakikita ang pag-unlad. Ang pagpasok ng investors, ang pagtaas ng piso, ang pagganda ng ekonomiya.

Q. Nakikita mo rin ba ang Human Rights Violation?
A. Opo. Hindi ako bulag. Naririnig ko ang mga akusasyon ng pangigipit sa mga karapatang pantao.

Q. Bakit ayaw mo ng oposisyon?
A. Hindi ko sila kinakikitaan ng matatag at matibay na plataporma. Puro na lang ingay ang naririnig ko sa kanila.

Q. May paraan ba para sumapi ka sa oposisyon?
A. Nasasalamin ko sa ilang oposisyon ang sinsiridad ng kanilang mga pinaglalaban. Gayumpaman, hindi ko nakikita ang “pagkakaisa” sa kanila. Waring sila mismo sa sarili nila ay nagbabangayan, o nag-aaway away

Q. Tunay kaya ang kulay ng Administrasyon?
A. Natanong ko na yan sa sarili ko noon. At least, nakikita ko ang katarantaduhan nila at ang kabutihan ng ilan sa kanilang ginagawa. Sa oposisyon naman, ang nakikita ko ay ang mga ilan sa kanilang pinaglalaban, pero hindi ko nakikita ang “tunay” na kulay nila kung mayroon man.

(itutuloy)


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.