Ang Listahan

Sa susunod na mga araw, sila ang aking inaasahan na makakapasok sa listahan ng labing dalawang senador. Hindi dahil sila ay nasa listahan ay nangangahulugan na sila ang nais kong maihalal. Mayroong ilan sa kanila ang hindi ko sinusuportahan.

1. Loren Legarda (hindi ko suportado ang babaeng ito)
2. Manuel Villar (hindi ko suportado ang taga Las Pinas na ito, nakikinikinita ba ninyo ang kaniyang pagtakbo sa pagkapangulo sa mga susunod na taon?)

3. Alan Peter Cayetano (lalong lalong hindi ko suportado ang lalakeng ito. Hindi ko kumpirmado kung reliable ang page na ito ng i-site.ph pero sabi dito mayroong utang si Cayetano sa Philippine Government (meaning, sa iyo, sa akin, at sa lahat ng pinoy) ng halagang 620, 174.00 sa kaniyang 2000 tax liability. Bayad na kaya ito?)
4. Chiz Escudero (magaling na oposisyon, gayumpaman, basahin parang “Darn too good to be true” ika nga ni Empress Maruja.

5. Kiko Pangilinan (Kamusta kay Ate Shawie!)
6. Ralph Recto (Kamusta kay Ate Vi!)

Trapo?

7. Joker Arroyo
8. Edgardo Angara
9. Benigno Aquino Jr.

Uncategorized!

10. Panfilo Lacson
11. Mike Defensor
12. Miguel Zubiri

Ituturing kong himala mula sa langit, at maniniwala na akong may posibilidad na mayroong diyos kapag pumasok si Dr. Martin Bautista sa Senado. Sumasang ayon ako sa sinabi ni Bong Austero: We need a new Juan Flavier in the Senate —not necessarily a doctor, but someone who embodies integrity and genuine talent.

Until next time. Abangan na lang natin!

~ ni CareTaker sa Mayo 10, 2007.

8 Tugon to “Ang Listahan”

  1. [...] Nagulat ako na mukhang ito rin ang nilalaman ng aking entry sa “Ang Listahan” na unang na ipost dito, at naipost muli dito. [...]

  2. Kahit hindi pumapasok sa surveys, nagiging popular nga si Dr. Bautista. :)

  3. Sana lang, kunin siya ng administrasyon at pahawakin ng DOH!

  4. [...] Comments are welcome here! [...]

  5. siguro ang magandang tanong nagyun ay, bukod kay bautista, sino pa ang iboboto mo?

    labindalawa ang ihahalal naten. kung si bautista lang ang sa tingin mong matino sha lang ba ang iboboto mo?

    mananalo by default ang mga tinuran mong trapo.

  6. HIndi ako ang mag-iisang may sala kung sila man ay manalong muli tom. :P

  7. [...] Nagulat ako na mukhang ito rin ang nilalaman ng aking entry sa “Ang Listahan” na unang na ipost dito, at naipost muli dito. [...]

  8. [...] Comment here! [...]

Mag-iwan ng Tugon